TNT isang panalo na lang para madepensahan ang kampeonato

Hindi hadlang ang early exit ni Jayson Castro para mapadapa ng TNT Tropang Giga ang San Miguel Beer sa game 5 ng best-of-seven finals sa Smart Araneta Coliseum.

Lamang na sa 3-2 standing ng serye ang TNT matapos lasingin ang Beermen sa iskor na 102-93.

Dahil dito, isang panalo na lang ang kailangan ng Tropang Giga para madepensahan ang kanilang kampeonato sa all-Filipino na PBA Philippine Cup.

Pinuri naman ni Coach Chot Reyes ang koponan nito na tumuloy sa laban kahit na maagang na-injure si Castro dahil sa ankle sprain, walong minutong natitira sa ikatlong kuwarter.

Nanguna ang Williams duo sa hard court kung saan – kumonekta si Mikey Williams ng 23 points na mayroong apat na 3 pointers; habang mayroon namang 21 points si Kelly Wiliams.

Para sa SMB, nanguna si June Mar Fajardo na kumulekta ng 20 points, at 16 rebounds.

Nakatakda namang wakasan ng TNT ang karera ng SMB sa Game 6 nito sa Biyernes, kaparehong venue.