Tiwi Vice Mayor Beato binawian ng buhay dahil sa Covid-19

LEGAZPI-Labis ngayon ang pagdadalamahati ng mga residente ng Bayan ng Tiwi lalawigan ng Albay matapos bawian ng buhay ang Bise Alkalde dahil sa sakit na Corona Virus Disease.

Sa report na pinalabas, si Vice Mayor David Beato,ang binawian ng buhay noong nakaraang byernes dahil sa Covid-19 na kung saan agad naman itong isinailalim sa cremation.

Read More:  Mother nabbed in drug bust, 3 children left with neighbors

Sa public post ni Matet Beato Ciocon, anak ng namayapang Bise alkalde, nanawagan ito sa mga nagkaroon ng exposure sa nasabing opisyal.

Kasama ang mga media na umanoy nagkondukta ng face-to-face interview, sa mga nakasalamuha nito sa Session at iba pang mga lugar.

Read More:  Missing 19-year-old woman found dead in Cebu

Sa ngayon naman umanoy naka-isolate na ang kanilang pamiya simula noong sabado hanggang sa hulyo 9.

Humingi rin ito ng paumanhin dahil di pa sila tatanggap ng anumang dalaw at inaasahan na magbubukas ng Public view sa darating na hulyo 10 hangang 11 at target na ilibing sa July 12.