Mas mataas ngayon ang bilang ng mga gumaling mula sa COVID 19 sa Bangsamoro Region kesa sa mga kinapitan ng sakit Sa tala ng Ministry of Health BARMM ay nakapagtala ito ng 56 new recoveries na kung saan ay pumapalo na sa 7,390 ang total recoveries sa rehiyon o nasa 87.6 %
Nakapagtala din ang Rehiyon ng Bangsamoro ng 23 new confirmed cases na kung saan ay nangunguna ang Cotabato City na mayroong 13 panibagong kaso, sinusundan ng Basilan & Lamitan City na may 7 new cases, 2 sa Lanao Del Sur & Marawi City , at isa naman sa lalawigan ng Sulu
Sa kabuuan ay mayroon ng 729 ang active cases kung kaya’t pumapalo na sa 8,435 ang total cases at 316 ang related deaths
Samantala, sa Rehiyon 12 ay nakapagtala ito ng 281 new confirmed cases , 155 new recoveries at 5 COVID 19 related deaths.