Titulo ng mga lupang tinitirhan ng mga IPs sa ilang barangay sa Naga City pinoproseso na

NAGA CITY – May mahigit 100 na Indigenous People ang nakatira sa Barangay Panicuason, Carolina, San Isidro at Cararayan ang mas bibigyan ng atensyon ngayon ng lokal na pamahalaan ng Naga City.

Katunayan, pinoproseso na ng konseho na mabigyan ng titulo ang lupang tinitirhan ng mga ito sa naturang mga barangay.

Sa pakikipag-usap ng Brigada News FM Naga kay City Councilor Lito del Rosario ,co-chairman ng  Land Use sa konseho, sinabi nito na kailangan matanggap din ng mga ito ang mga benipisyong natatanggap ng mga ordinaryong maralitang taga-lungsod tulad ng sa Pantawid Pamilyang Pilipino Program o 4Ps at ilan pang sebisyong dapat na maibigay ng local na pamahalaan.

Read More:  14-year-old PWD dies in Cebu house fire

Plano rin nilang ipaayos an mga rehistro ng mga ito, para may matinong dokumento lalo na ang mga bata para sa pag-aaral.

Read More:  Doctor robbed by riding-in-tandem suspects in Bacolod

Binigyang-diin pa ng konsehal na ang pagkakaroon ng permanenteng titulo sa lupang tirahan ng mga ito ay nasa batas o national law na kailangaan na ipatupad ng bawat lokal na pamahalaan.

Noong nakaraang regular session ng konseho naging bisita si Provincial Officer Agnes Salvino ng Camarines Sur National Commission on Indigenous People Provincial Office at pinag-usapan nila ang isyung ito at ang mga posibleng solusyon.