Namahagi ng tulong si Senator Christopher Bong Go sa 1,666 na mga residente sa Alitagtag, Batangas.
Isinagawa ang relief operation sa Alitagtag municipal gymnasium kung saan namigay ang senador ng mga bisikleta, sapatos at mga phablets sa ilang indibidwal.
Isinagawa rin ng Department of Social Welfare and Development ang pamamahagi ng financial aid sa mga residente sa ilalim ng Assistance to Individuals in Crisis Situation program.
“Alam ko pong mahirap ang panahon ngayon, nasa krisis tayo dulot ng COVID-19. Magtulungan lang tayo, magbayanihan ho tayo at magmalasakit po tayo sa ating kapwa Pilipino,” bahagi ng kanyang pananalita.
Kasabay nito ay hinimok ng senador ang mga nangangailangan ng atensyong medikal na pumunta sa Batangas Medical Center sa Batangas City o Batangas Provincial Hospital sa Lemery kung saan matatagpuan ang Malasakit Centers.