Patuloy ang imbestigasyon ng mga otoridad matapos sumalpok ang isang 10-wheeler wing van sa isang tindahan sa Barangay Jagobiao, Mandaue City, Cebu bandang alas 03:00 ng madaling araw ng Martes, Agosto 06, 2024.
Nasira ang harapang bahagi ng tindahan pati na ang isang tubig machine.
Wala namang nasaktan sa pangyayari.
Ayon sa may-ari ng tindahan, buti na lang umano at hindi tuluyang naararo ng wing van ang tindahan lalo pa’t ilang metro lang mula sa harapang bahagi ng tindahan ay tinutulugan ng kanyang pamilya.
Sinabi ng driver na nawalan umano sya ng kontrol sa manibela ng truck at buti na lang umano ay kumapit pa ang preno dahilan upang itoy huminto at hindi tuluyang naararo ang tindahan.
Napag-alaman na maghahatid sana ang 10-wheeler truck ng kahon kahong mineral water sa bayan ng Consolacion.
Sa ngayon, pinag-uusapan ng dalawang kampo ang magiging settlement sa nangyaring insidente.