Tinatayang 5,603 litro ng pinaghalong langis at tubig, nakolekta na umano ng PCG mula sa nangyayaring oil spill

Nakakolekta na ng 5,603 litro ng pinaghalong langis at tubig ang Philippine Coast Guard (PCG) at 50 sako ng oil-contaminated materials sa mga baybayin na apektado ng oil spill simula March 1.

Ayon sa PCG, nakakolekta sila ng 1,071 sako at 22 drum ng oil-contaminated materials mula sa 13 apektadong mga barangay sa bayan ng Naujan, Bulalacao, at Pola.

Read More:  Madriaga included in VP Sara impeachment witness list

Mababatid na naglalaman ang lumubog na oil tanker na MT Princess Empress ng 800,000 litro ng industrial fuel.

Read More:  BI proposes P247 airport fee for security modernization

Una nang ibinahagi ni Oriental Mindoro Governor Humerlito Dolor na halos 100,000 mga residente na sa probinsya ang apektado ng oil spill, kung saan halos 122 na ang nagkakasakit at nagkakaroon ng respiratory-related symptoms. #