Tinaguriang ‘Japanese Cannibal’ na si Issei Sagawa, pumanaw na sa edad na 73

MULING naging laman ng balita ang kontrobersiyal na si Issei Sagawa – ang Japanese national na pumatay at ‘kumain’ sa isang Dutch student noong taong 1981.

Ito ay matapos mapabalita ang pagpanaw ni Sagawa nitong November 24 sa edad na 73 kung saan ang sakit na ‘pneumonia’ ang itinuturong sanhi ng kanyang kamatayan.

Naging kontrobersiyal at usap-usapan sa buong mundo si Issei Sagawa dahil sa ginawa nitong krimen sa Paris noong 1981 kung saan kanyang binaril, ginahasa, at kinain ang ibang bahagi ng katawan ng babaeng Dutch na si Renee Hartevelt.

Bagaman hindi nito inilihim ang ginawang krimen, at lantarang isinawalat sa publiko, hindi nakulong si Sagawa dahil agad na isinara ang kanyang kaso.

Sa halip na maparusahan, sumikat pa si Sagawa makaraang maging laman ng mga diyaryo at magazine kung saan siya nagpa-unlak ng panayam at ikwenento ang detalyadong ginawa sakanyang biktima.

Sa huling mga sandali nito sa mundo, iba’t-ibang mga sakit at komplikasyon ang tumama kay Sagawa hanggang sa nauwi sakanyang kamatayan.### JDR