Thai BL actors, Both Nuttapong at Newyear Kitiwhut engaged na

Pagmamahalan ang nangibabaw sa Thai BL (Boys’ Love) actors na sina Both Nuttapong at Newyear Kitiwhut matapos nilang ianunsiyo sa publiko na sila ay engaged na.

Read More:  Alex Gonzaga, Mikee Morada announce pregnancy

Makikita sa Instagram post ni Newyear na masaya ang dalawa sa mga kuhang litrato nang mag-propose sa kaniya si Both.

Kalakip nito ang litratong nakaluhod si Both sa harap ni Newyear hawak-hawak ang engagement ring.

Read More:  Cristine Reyes, Gio Tingson are Engaged

Nangyari ang engagement nina Both at Newyear ilang araw matapos isabatas sa Thailand ang same-sex marriage. (BRIGADA NEWS- INTERN JAZTINE CRUZ)