Teves, mananatiling miyembro ng Kamara kahit humingi ng asylum

Sinabi ni House committee on ethics chairperson Felimon Espares na dapat pa ring ituring na miyembro ng Kamara si Negros Oriental Representatives Arnolfo Teves, Jr. sa kabila ng kanyang tila pag-abandona sa kanyang panunumpa sa tungkulin.

Read More:  Romualdez camp questions Guteza’s credibility

Ang paghingi ng asylum ni Teves ay maikokonsidera na pagtalikod sa kanyang sinumpaang tungkulin bilang isang mambabatas subalit paliwanag ni Espares, dapat bigyan pa rin ng due process ang kongresista.

Sinabi ni Espares na,  umaasa siyang uuwi ng bansa si Teves at muling magpartisipa sa deliberasyon sa Kamara.

Read More:  Senators seek review of impeachment threshold for VP Sara Duterte

Si Teves ay pinatawan ng 60 na araw na suspensyon ng Kamara dahil sa pagiging AWOL, magtatapos ang kanyang suspensyon bukasm May 14.//CA