Teroristang umiwas sa checkpoint at may kargang IED – patay sa Basilan; ASG member, patay din sa Sulu

Basilan Province – Patay ang isang terorista sa isinagawang operasyon ng Tropa ng 18th Infantry Battalion sa Lungsod ng Lamitan sa Probinsiya ng Basilan.

Sa ulat ng Western Mindanao Command , nangyari ang operasyon matapos hinde huminto ang riding in tandem sa isinagawang checkpoint ng militar, dahil dito agad namang hinabol ng mga sundalo ang mga suspek at ng pag dating sa Barangay Sabong nagka palitan ng putok ang suspek at mga sundalo.

Napatay sa engkuwentro ang isa sa mga suspek ,habang nakatakas naman ang kasamahan nito.

Kinilala ng Commander Joint Task Force Basilan Brigadier General Domingo Gobway ang napatay na terorista ay si Adil Akarab.

Na rekober kay Akarab ang kulay na dilaw na sako na naglalaman ng Improvised Explosive Device o IED at sa puting sako naman isinilid ang kanyang M16 rifle.

Napatay rin ang isang miyembro ng Abu Sayyaf sa operasyon ng Joint Task Force Sulu sa may Barangay Lumbaan Mahaba, Parang sa nasabing Probinsiya.

Ang napatay na terorista ay kinilala na si Gan Salahudin kilalang tauhan ni ASG Sub-Leader Apah Salah.

Na rekober rin sa suspek ang isang M16 rifle at (1) M203 Grenade Launcher

Samantala pinuri naman ng Commander ng Western Mindanao Command Lt. General Alfredo Rosario Jr. Ang tropa ng Joint Task Force Basilan at Joint Task Force Sulu sa kanilang patuloy na ginawang accomplishment.(KATHRINA ANIÑON)
#

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *