Teodoro, binalaan ang mga lokal na opisyal sa bansa na huwag tumanggap ng tulong o pera na kahinahinala ang pinagmulan

Isang araw bago ang paghahain ng Certificate of Candidacy – nanawagan si Defense Sec. Gilberto Teodoro Jr sa mga lokal na opisyal na huwag basta-basta tatanggap ng tulong o pera na galing sa kahinahinalang paraan.

Ang panawagan ay ginawa ni Teodoro sa forum ng pangangalaga sa Maritime domain ng bansa sa Camp Aguinaldo.

Read More:  Teachers’ Group again calls for proper implementation of education programs

Ayon sa kalihim, hindi dapat magkaroon ng impluwensya ang international criminal syndicate sa bansa.

Makakasira kasi ito sa “economic fabric” ng bansa kung mamayagpag ang pera na kwestyonable ang pinagmulan.

Read More:  President may appoint senator or lawmaker as replacement if VP Sara is impeached

Paliwanag ni Teodoro…may kinalaman din sa nationa security ang mga perang kahina hinala ang pinagmulam.

Dapat anyang masiyat ang mga nag aalok ng negosyo at kung ano ang tunay na pakay dahil walang mga negosyo na “quick cash”