Teenage pregnancy sa Naga City,  tututukan ng City Youth Officials

NAGA CITY – Inilatag na ng mga bagong uupong Naga City Youth Officials ang kanilang mga programa at proyekto ngayong taon.

Isa sa mga nabanggit ni Clark Matthew Calpe, City Youth Secretary to the Office of the Mayor na tututukan nila ang pagsugpo ng teenage pregnancy sa lungsod. Sa kanilang isinagawang pagpupulong kasama ang City Population and Nutrition Office, napag-alaman na mayroong naitala ang opisina na 12 anyos na teenage mom na siyang nag-udyok sa kanila na mas lalo pang palakasin ang kampanya laban sa teenage pregnancy.

Read More:  4 NPA members surrender after death of top leader in Surigao clash

Sinabi naman ni City Youth Mayor Bridget Kyle Bernal hiniling nito na nawa’y makiisa sa mga programa ng gobyerno hindi lang ang mga teen ager, maging ang mga magulang  upang matutukan at mapagsabihan ang mga anak.

Read More:  P6-M smuggled goods seized at Dumaguete Port

Ilan pa sa mga proyekto at programang nais gawin ng mga opisyal sa lungsod ay ang pagpapalakas sa values education ng mga bata at paghiyakat sa mga young journalist na makiisa sa paglaban sa fake news gamit ang social media.