Team of vaccinators mula PHO, RHU Daet at PNP muling tinungo ang isang higher education institution sa lalawigan para sa COVID- 19 vaccination

CAMARINES NORTE- Halos wala nang day- off ang mga bakunador para lamang maabot ang mga tao at mabakunahan kontra COVID- 19.

Noong araw ng linggo, September 18, tinungo ng team mula sa Provincial Health Office sa pangunguna ni Provincial Health Officer Dr. Arnel Francisco ang Mabini Colleges para magbakuna ng primary dose at booster shot.

Ayon kay Francisco hindi bababa sa 60 indibidwal na kinabibilangan ng mga estudyante, kawani at magulang ang nagpabakuna.

Katuwang ng PHO ang vaccination team mula sa RHU- Daet at Camarines Norte Police Provincial Office.

Read More:  GenSan underpass project criticized anew after repeated flooding due to heavy rain

Hindi ito ang unang pagkakataon na tinungo ng PHO ang naturang eskwelahan dahil ilang beses na ring nagsagawa ng pagbabakuna dito.

Batay sa datos ng Provincial Covid- 19 operation center hanggang nitong Lunes, September 19, nasa 81. 6 percent na ng target population na 434, 382 ang nabakunahan.

Sa senior citizen nasa 35, 386 o 75. 7 percent ng target na 46, 754 ang nabakunahan.

Mataas na ang vaccination coverage ng probinsiya sa edad 18- 59 na mayroong 245, 337 sa target na 264, 393.

Read More:  Mati City students welcome proposed ₱5,000 cash grant for fresh graduates under senate bill 1961

Nalagpasan naman ang target na mabakunahan sa mga batang edad 12- 17 na mayroong 60, 686 sa target na 54, 888 o 110. 6 percent.

Sa kabilang dako, wala pang 20 porsiento ang nababakunahan sa edad na 5- 11.

Sa target na 68, 347 nasa 13, 115 pa lang ang nababakunahan.

Mababa ang accomplishment ng lahat ng munisipyo  sa 5- 11 maliban sa Capalonga na mayroon nang 50. 8 percent.