13 bagong kaso ng COVID- 19 naitala sa Camarines Norte noong nakaraang linggo

CAMARINES NORTE- Nakapagtala ng 13 kaso ng COVID- 19 ang lalawigan ng Camarines Norte noong nakaraang linggo.

Batay ito sa lingguhang update ng Department of Health na inilabas nitong Lunes, September 19.

Ang mga naitalang kaso ay mula sa Daet na mayroong lima, tatlo sa Labo, dalawa sa Basud at tig iisang kaso sa Capalonga, Jose Panganiban at Talisay.

Read More:  Mother nabbed in drug bust, 3 children left with neighbors

Dahil dito umakyat uli ang bilang ng aktibong kaso na mayroon ngayong 130.

Umaabot naman sa kabuuang 4, 362 ang naitalang kaso ng COVID- 19 sa lalawigan  simula noong March 2020.

Sa bilang na ito 254 ang nasawi o 5. 82 percent habang 3, 977 naman ang nakarekober.

Read More:  HBONI, DOST push science-based development in Himamaylan IP community

Nananatili namang nasa low risk ang healthcare utilization rate sa probinsiya.

Sa 132 beds na inilaan para sa Covid 26 dito ang nagamit o katumbas ng 19. 7 percent utilization.

Walang naitalang paggamit sa ICU beds at mechanical ventilator.