TDC, hinimok na linawin ng DepEd ang pahayag ukol sa NPA recruitment sa mga estudyante sa Metro Manila

Hinimok ng Teachers’ Dignity Coalition (TDC) ang Department of Education na linawin ang na una nitong statement tungkol sa NPA recruitment na nangyayari sa loob ng ilang paaralan sa Metro Manila.

Ayon kay TDC National Chairperson Benjo Basas, nainintindihan nila ang naging concern ng DepEd nang ilabas ang naturang statements.

Read More:  DSWD assures readiness during Habagat season

Ngunit nangangamba si Basas, na baka mapag-suspetsahan ang lahat ng mga high school sa NCR bilang mga potensyal na NPA recruitment school.

Read More:  New DOLE Chief Tolentino vows stronger labor safety enforcement

Sinabi pa ng grupo na wala pa silang namomonitor na ganitong uri ng aktibidad.

Naniniwala naman si Basas, na sakaling mangyari ang recruitment ay hindi naman papayagan ng mga kaguruan.