Nagdeklara ng State of Calamity ang Taytay, Palawan dahil sa tumataas na kaso ng Dengue sa probinsya.
Labing walong indibidwal na ang namatay kaugnay sa sakit na ito mula noong Enero hanggang ngayong buwan sa itinala ng Department of Health (DOH) na 1,287 cases.
Sinabi naman ni Taytay, Palawan Mayor Christian V. Rodriguez, ikinagulat ng munisipalidad ang tumataas na kaso dahil hindi naman ito naging problema noon.
Sa ngayon, isa lamang sa tatlumpu’t isang barangay ang walang naitalang kaso ng Dengue.
Sisiguraduhin naman ng probinsya na gagamitin nitong maigi ang makukuhang calamity fund para sa mga apektadong residente.
