Taylor Swift, hakot-awards sa Billboard Music Awards 2023

Hakot-awards si Taylor Swift sa Billboard Music Awards 2023.

Inuwi ni Taylor ang Top Artist award, at Top Female Artist at maging ang Top Selling Song trophy para sa kaniyang kanta na ‘Anti-Hero’.

Read More:  Ate Gay, holds ‘living funeral’ with family and friends

Hindi lamang iyan, nakuha din ng singer ang Top Hot 100 Songwriter, Top Radio Songs Artist, Top Song Sales Artist, Top Billboard Global 200 Artist, Top Billboard Global (Excluding US) Artist, Top Country Female Artist at ang Top Billboard 200 Album para sa kaniyang album na ‘Midnights’.

Read More:  The Pod Network terminates ‘Machong Chismisan’ podcast contract ‘effective immediately’

Nasa South America ngayon si Taylor dahil sa kanyang Eras Tour at pupunta rin siya sa Asya sa 2024.

Nitong October, inilabas ng singer-songwriter ang kanyang re-recorded version ng 2014 album na pinamagatang ‘1989’ (Taylor’s version).