Taylor Swift at Matty Healy, hiwalay na

Hiwalay na raw ang singer na si Taylor Swift at 1975 lead vocalist na si Matty Healy.

Sinabi ng isang source ng People Magazine , na ang dalawa ay “no longer romantically involved.”

Sobrang abala raw ang dalawa at napagtanto na hindi sila compatible sa isa’t-isa.

Read More:  Cristine Reyes, Gio Tingson are Engaged

Nagsimula ang romance rumors ni Taylor at Matty  noong Mayo. Kahit hindi kinumpirma ng mga ito ang kailang relasyon, ilang ebses naman silang nakitang magkasama.

Dumalo pa si Matty sa lahat ng anim na konsiyerto ng Swift’s Eras sa Nashville at Philadelphia.

Read More:  Maris Racal distributes’free bigas’ to celebrate showbiz milestone

Bago mapabalita ang umano’y relasyon ng dalawa, nitong Abril naging maugong na balitang hiwalay na sina Taylor at Joe matapos ang anim na taong pagsasama bilang magkasintahan. Naging maayos naman daw ang paghihiwalay ng dalawa.//CA