Patuloy ang ginagawang pagsisiyasat ng Bureau of Internal Revenue o BIR sa mga ari-arian ni Bamban Mayor Alice Gou.
Sa Bagong Pilipinas program, sinabi ni BIR Commissioner Romeo Lumagi na naisilbi na nila ang letter of authority upang magsagawa ng tax audit sa mga indibidwal at korporasyon na ikinakabit sa pangalan ng alkalde.
Layon nitong maikumpara kung nagtutugma sa deklaradong ari-arian at nabayarang buwis ni Gou ang mga nabanggit na property sa nagpapatuloy na senate hearing.
Kasama dito ang chopper na pag mamay-ari daw ng naturang mayor.
Sa oras anyang hindi nag tugma, posibleng magsampa sila ng kasong tax evasion laban kay Alice Gou.
Subalit paglilinaw ng BIR na idadaan nila ito sa due process.