Nahaharap ngayon sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang tatlong sundalo matapos makumpiskahan ng hinihinalang iligal na droga sa buy bust operation ng magkasanib na pwersa ng PDEA at PNP sa Barangay Anupul, Bamban sa Tarlac.
Kinilala ng PDEA Region III ang mga suspek na sina Cpl Venancio Delmoral,
Cpl Juan Carlo Feliciano at Sgt. Modesto Rosquero, pawang mga AFP enlisted personnel.
Ayon sa PDEA ang mga nahuling suspek ay itinuturing na high-value-target sa illegal drugs.
Nakumpiska sa tatlo ang isang transparent plastic sachet na naglalaman ng 50 gramo ng hinihinalang shabu na may market value na P340,000.00; isang AFP issued firearm , sasakyan at ang ginamit na buy bust money.
Sinabi ng PDEA na non-bailable ang kasong kinakaharap ng tatlo.