Tatlong Pilipino, sugatan sa Russian missile na tumama sa civilian vessel

Nasira ng isang missile ng Russia ang isang barkong sibilyan na may bandila ng Liberia na pumapasok sa isang daungan ng Black Sea sa rehiyon ng Odesa.

Saad ng southern military command ng Ukraine, ikinamatay ito ng isang indibidwal at ikinasugat ng apat na tao kabilang ang tatlong Pilipino.

Read More:  Teodoro again rejects claims Philippines is a ‘trouble maker’ in WPS tensions

Ayon naman kay Ukraine Infrastructure Minister Oleksandr Kubrakov, maghahatid sana ang nasirang barko ng iron ore sa China.

Read More:  Teodoro probes possible spying at illegal POGO hub near military camps

Matapos bawiin ang kasunduan ng U.N. na ginagarantiyahan ang ligtas na pagpapadala ng mga Ukrainian grain sa Black Sea, paulit-ulit na inaatake ng Russia ang Ukrainian port infrastructure.