2 pang indibidwal na kabilang sa mga tumakas sa MPD-1, nahuli na; 2, patuloy pang hinahanap

Balik sa kulungan ang dalawa pang bilanggo na tumakas sa kanilang detention facility sa Manila Police District Station 1 sa Raxabago st. Tondo, Maynila.

Kinilala ang dalawa pang naaresto na sina Gian Carlo Rayala at John Joseph Laguna na parehong sangkot sa ilegal na droga.

Read More:  Hontiveros signals 2028 readiness, but says she will give way to stronger ally

Miyerkules ng madaling araw ng makatakas ang mga naaresto kasama ang 7 pang preso matapos sirain ang iron grill sa gilid ng pasilidad ng kulungan.

Read More:  Teodoro rejects VP Sara’s challenge to name alleged pro-China officials

Una nang nahuli ang lima sa kanila kahapon
habang nagpapatuloy naman ang malawakang manhunt operation para sa muling paghuli sa dalawa pang natitirang nakatakas.