Tatlong miyembro ng Daulah Islamiyah – patay sa engkuwentro sa Lanao del Norte

Napatay ng mga tropa ng 103rd Infantry Brigade ang 3 miymebro ng Daulah Islamiya sa enkwentro sa Barangay Lindongan, Munai, Lanao del Norte noong Sabado.

Kinilala ang 3 nasawing terorista na sina: Nezrin Sandab, alyas Firdaus; Saipal Abubacar, alyas Fariz; at Pabo Zainoden Radia, alyas Musab.

Bukod sa 3 bankay na iniwan ng mga nakatakas na miymebro ng grupo, narekober din sa encounter site ang 3 M14 rifles, 7.62mm ammunition, at mga backpack.

Samantala, isang sundalo ang nagtamo ng “minor injuries” sa naganap na 20 minutong palitan ng putok, na agad naman nadala sa ospital para bigyan ng medikal na atensyon.

Dahil dito, binati ni Western Mindanao Command Chief, Lt. Gen. William Gonzales ang mga tropa sa matagumpay na operasyon, kasabay ng panawagan na ipagdasal ang kaligtasan ng mga sundalo na nagsisikap na wakasan ang lahat ng banta sa kapayapaan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *