Tatlong bahay sa Del Gallego, Camarines Sur, natupok ng apoy

CAMARINES SUR- Tatlong bahay sa Del Gallego, Camarines Sur ang natupok dahil sa apoy kahapon, Enero 21 taong kasalukuyan alas 5:42 ng umaga.

Ayon sa inisyal na imbestigasyon ng Del Gallego Municipal Police Station, nagsimula ang apoy sa bahay ni Felicidad Caguimbal hanggang sa kumalat ito at nadamay ang katabing bahay kung saan nakatira sina Evelyn Zantua at Luz Basco na gawa sa pinag-samang light at concrete materials. 

Read More:  PWD allegedly assaulted by cousin in General Santos City
Read More:  19-year-old woman found dead in Lupon, Davao Oriental, with head injury

Idineklarang fire out ng Bureau of Fire Protection (BFP) Del Gallego ang insidente bandang alas 7:00 ng umaga. Tinatayang nasa 800,000.00 ang halaga ng mga nasirang gamit sa nasabing insidente. Sa ngayon, inaalam pa rin ang pinagmulan ng apoy.