Tataas ba ang presyo ng digital services? May paliwanag ang BIR

Pinawi ng Bureau of Internal Revenue (BIR) ang pangamba ng publiko sa posibleng pagtaas ng subscription payment sa mga digital services kasunod ng paglagda ni Pangulong Bongbong Marcos sa RA 12023 o pagpapataw ng Value Added Tax sa mga digital services.

Read More:  Bondoc slams NBI labeling of Sen. Bato as ‘armed and dangerous’

Sa press briefing sa Malacañang, sinabi ni BIR Commissioner Romeo Lumagui Jr. na positibo silang hindi magpapatupad agad-agad o kaya ay hindi rin ganon kataas ang ipapataw na taas singil ng mga digital service provider sa kanilang subscription fee.

Paliwanag ni Lumagui, magiging kawalan din kasi sa mga DPS kung magtataas sila ng malaki sa sisingiling subscription, dahil posible rin silang mawalan ng subscriber.

Read More:  DepEd completes nationwide orientation on reforms for SY 2026–2027

Sa kabila nito aminado ang BIR Commissioner na wala silang kontrol sa ipapataw na presyo sa subscription ng mga digital service provider.