SOJ Remulla, nakipagpulong sa Timor Leste officials para sa pagpapa-uwi kay Teves

Sa personal na pagbisita ni Justice Secretary Jesus Crispin Remulla kay Timor Leste President José Ramos-Horta, unang tinalakay ang usapin ng ilegal na POGO sa bansa.

Dito ipinaalam ni Remula ang impormasyon na ipinagbabawal na ni Pangulong Bongbong Marcos, ang operasyon ng POGO sa Pilipinas.

Ayon kasi sa DOJ, may mga ulat na ang Timor Leste ay isa sa mga posibleng lugar kung saan maaaring ilipat ang mga operasyon ng POGO.

Read More:  Akbayan endorses Hontiveros for 2028 presidential bid

Idinetalye ni Remulla ang mga hamon na pinagdaanan ng bansa noong panahon na malaya ang operasyon ng POGO, kabilang ang mga isyu sa krimen, pag-iwas sa regulasyon, at banta sa kaligtasan ng publiko.

Sa state visit, tinalakay din ng DOJ at pamahalaan ng Timor Leste ang kaso ng puganteng si dating congressman Arnolfo Teves, Jr., na itinuturong utak sa pagpatay kay Negros Oriental Governor Roel Degamo at iba pa noong 2023.

Read More:  DENR preparing for possible impact of Super El Niño

Sabi ni Remulla na patuloy na makikipagtulungan ang Timor Leste sa bansa upang matiyak na makababalik na si Teves sa Pilipinas para harapin ang hustisya.

Patuloy aniya na nirerespeto ng DOJ ang soberanya at mga legal na proseo ng Timor Leste pero patuloy pa rin aniya ang hangarin na maipaglaban ang hustisya para sa mga biktima ni Teves sa Pilipinas.