Task Force El Niño, nakapagtala na ng nasa 100 lungsod na under state of calamity

Kinumpirma ng Task Force El Niño na umabot na sa 100 lungsod at munisipalidad ang nagdeklara ng state of calamity dahil sa matinding init.

Ayon kay Task Force El Niño spokesperson Joey Villarama, karamihan sa mga nagdeklara nito ay dahil sa pinsalang tinatamo sa agrikultura at kawalan ng tubig.

Read More:  PH Embassy in Pretoria advises Filipinos to avoid Ebola-affected areas

Mayroon umanong 5 probinsya na sumailalim na sa state of calamity, habang ang ibang bayan naman ay nag-declare individually.

Read More:  Senate minority walks out over proposed rules change

Kasabay nito, binigyang-diin ni Villarama na agarang magagamit ang local calamity fund ng LGU sa sandaling magdeklara ng state of calamity.

Samantala, tiniyak naman din umano ng Department of Agriculture na sapat ang suplay ng pagkain sa ngayon.