Apat katao, sugatan sa salpukan ng dalawang motor sa Buenavista, Quezon

Sugatan ang apat na katao matapos magsalpukan ang dalawang motor minamaneho ng mga ito sa Barangay Mabutag, Buenavista, Quezon nitong Lunes, Abril 22.

Lumabas sa imbestigasyon na binabagtas noon ng motor na minamaneho ni alyas “Allan” ang direksyon patungo sa town proper nang okupahin ni alyas “John” ang lane na nagresulta sa kanilang salpukan.

Read More:  Media groups rally behind journalist Marchel Espina over unjust vexation case

Parehong nagtamo ng mga injury sa iba’t-ibang bahagi ng katawan ang mga sakay noon ng dalawang motor kung kaya isinugod ang mga ito sa hospital para malapatan ng lunas.

Read More:  Grenade attack on military truck injures five in Maguindanao del Sur

Sa ngayon, patuloy pa rin ang isinasagawang imbestigasyon ng mga awtoridad hinggil sa aksidente.