Target na isang libong bagong botante, ,malabo-COMELEC Magarao

CAMARINES SUR – Malabong mahit o makuha ng Commission on Elections Magarao sa Camarines Sur ang tinatarget nilang 1,000 new voter registrants hanggang sa matapos ang pagpaparehistro sa Setyembre.

Ito ang kinumpirma sa Brigada News FM Naga ni Gino Ricafort, Assistant Election Officer sa nasabing bayan kung saan sinabi niya pa na sobrang konti ng mga nagpaparehistro sa kanila araw-araw.

Anya, hindi aabot sa sampung katao ang pumupunta sa kanilang opisina. Lumalampas lamang sa sampu ang bilang nito kapag nagsasagawa sila ng satellite registration.

Parehong kaso rin ang nararanasan nila sa mga nagrereactivate ng kanilang rehistro. Nasa mahigit 2,000 libo ang kanilang dineactivate dahil sa hindi pagboto ng dalawang magkasunod na halalan. Sa halos 2,000 deactivate registrants, hindi pa aabot sa sampu ang nagpareactivate ng kanilang rehistro.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *