Target dates para sa restoration ng kuryente ng iba’t-ibang power supplier, inanunsyo ng NGCP

Inanunsyo ng National Grid Corporation of the Philippines ang target dates nito para maibalik ang suplay ng iba’t-ibang utility firms matapos ang pananalasa ng Bagyong Odette.

Ayon kay NGCP spokesperson Cynthia Alabanza, tapos na nilang pagserbisyuhan ang VECO, MECO, CEBECO II at CEBECO III.

Read More:  INC rally pushes through with permit as up to 100,000 expected in Quezon City

Gayunman, wala pang maibigay na impormasyon ang NGCP para sa CEBECO I.

Inaasahan naman na maibabalik ang kuryente ng konsyumers ng SOLECO at LEYECO IV sa Samar at Leyte sa December 31.

Target naman ng NGCP na maibalik ang operasyon ng DORELCO sa December 25.

Read More:  Bayan urges vigilance vs INC protest’s impact on anti-corruption drive

Inihayag rin ni Alabanza na sinisikap nila na tuluyang maibalik ang kuryente sa Surigao del Norte at Surigao del Sur sa December 25.

Ipinunto naman ni Alabanza na ready na for energization ang ESAMELCO, ngunit hindi pa aniya nagdo-draw down ang naturang kooperatiba.