NGCP, nag-deploy ng mas maraming tauhan at equipment sa mga lugar na sinalanta ng Bagyong Odette

Inanunsyo ng National Grid Corporation of the Philippines na nag-deploy na ito ng mas maraming tauhan at equipment sa mga lugar na sinalanta ng Bagyong Odette.

Sinabi ni NGCP spokesperson Cynthia Alabanza na layon nila na maibalik ang kuryente sa mga apektadong lugar sa lalong madaling panahon.

Read More:  Taguig denies 911 delay, DILG probes incident, says Remulla

Ipinunto niya na una nang lumarga sa mga apektadong lugar ang 520 line personnel.

Read More:  Cendaña warns of legal action over online attacks targeting his medical condition

Aniya, ngayon ay nasa 736 na ang kanilang kabuoang bilang.

Nagpadala na rin ang NGCP ng helicopters at ng karagdagang boom trucks na ngayon ay nasa 92 mula sa dating 65.