Tanod, patay sa banggaan ng motorsiklo at van sa Roxas, Palawan

Patay ang barangay tanod na si Ronald Abuena Rondina, 38-anyos nang mahagip ng pampasaherong van sa National Highway ng Brgy. Tagumpay, Roxas, Palawan bandang alas-sais ng umaga nitong Martes, Ika-28 ng Mayo.

Ang driver ng van ay si Jamir Dacuan Javares, 28-anyos residente ng Brgy. Sta. Monica, Puerto Princesa City.

Read More:  CHMSU graduate tops Army officer candidate class ‘Talagilab’

Ang aksidente ay nangyari sa ginagawang kalsada sa lugar kung saan isang lane lamang ang maaring madaanan.

Sa inisyal na imbestigasyon ng PNP, ang motorsiklo na minamaneho ng tanod na si Ronald at hinihila umano ng isang pang motorsiklo na minamaneho ni Pio Alidin Viray, 39-anyos.

Read More:  Two Davao robbery suspects arrested at Iligan checkpoint

Ayon sa PNP, una umanong pumasok sa nag-iisang lane ng daan ang motorsiklo nang makasalubong nila ang Van na biglang rin pumasok sa linya dahilan ng kanilang banggaan.

Sa lakas ng pagkabangga tumama ang ulo ni Ronald sa semento dahilan ng kanyang pagkamatay.

Samantala, hawak na ng PNP ang driver ng nakabanggang Van.