Tanim na marijuana nadiskubre sa Naga

NAGA CITY – Aabot sa dalawang gramo ng hinihinalang shabu at labindalawang pirasong tanim na Marijuana ang nakumpiska sa isang drug personality sa lungsod ng Naga matapos na ipasailalim ito sa Anti-illegal Drug Operation kahapon ng hapon sa Barangay Balatas.

Kinilala ang suspek na si Angelito San Juan y Candelaria, 33-anyos , Construction Worker at dati ng nahuli sa kaparehong kaso ng nakaraang taon.

Ginawa ang buy bust operation laban sa suspek matapos na makatransaksyon ito ng isa sa mga operatiba na tumayong poseur buyer kung saan nagkasundo na sa bahay na lamang nito magkaroon ng bilihan ng items.

Read More:  NYLI pushes mental health-centered climate resilience through project OASIS

Nakuha sa pag-iingat ng suspek ang 6 na malalaking pakete laman ang pinaniniwalaang shabu na tumitimbang ng dalawang gramo at nagkakahalaga ng P13,600.

Samantala, napag alaman pa na mayroon pa pala itong tanim na marijuana matapos na ipagyabang nito sa nakatransaksyon na pulis na mayroon siyang tanim na Marijuana, kaso hindi pa tuyo.

Read More:  18 street vendors selling soap along Cebu roads brought to police station

Nakumpiska naman sa likod ng bahay ng suspek ang labindalawang pirasong tanim na Marijuana.

Nang matanong ng BNFM itinanggi ito na kanya ang items pati ang naturang halaman.

Mahaharap si San Juan sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.