Tamang ahensya lang ang dapat na humuli sa buwaya- PCSD

Tamang ahensya lamang ng gobyerno ang dapat na humuhuli sa buwaya mula sa mga natural nitong tirahan, ayon sa Palawan Council for Sustainable Development Staff (PCSDS).

Ito ay bunsod ng pagkamatay ng isang labinglimang (15) talampakang haba na buwaya na hinuli sa Barangay Sumbiling, Bataraza Palawan noong gabi ng Miyerkoles.

Ayon kay PCSD Spokesperson na si John Vincent Fabello, may “mali” kasi sa paraan ng paghuli ng lalaking buwaya ang mga residente kung saan maaaring “na-stress” ito kaya tuluyang namatay.

Read More:  NPA regional committee in Caraga collapses as remaining members surrender

Napag-alaman din na mayroong sugat sa bahagi ng dibdib ang hayop nang ito ay suriin ng mga tauhan ng PCSD.

Gayunman, iimbestigahan ng Palawan Wildlife Rescue and Conservation Center sa Puerto Princesa upang malaman ang totoong sanhi ng pagkamatay nito.

Read More:  DOH-XII records 277 new HIV cases in first quarter of 2026

“Ang iniiwasan kasi natin dito ay yung aksidente na pwedeng mangyari sa mga magtatangkang humuli sa bwaya na hindi eksperto sa animal handling. besides may mga protocol tayong sinusunod sa pamahalaan kung bakit, kelan, papaano at saan dapat hulihin ang isang buhay ilang katulad ng buwaya” ani John Vincent Fabello sa Brigada.