Isang kontraktor ng bagong Municipal Hall ng Roxas, “Balasubas” ayon kay Mayor Sabando

“Balasubas” ang isang kontraktor ng bagong Municipal Hall ng Roxas kaya hindi pa rin ito natatapos, ayon kay Mayor Dennis Sabando.

Tinukoy ng alkalde ang GSMAXX Construction na isa sa pinagkatiwalaan sa pagtatayo ng bagong munisipyo simula taong 2019.

Read More:  4-year-old boy dies, two other minors survive drowning incident in Lapu-Lapu City

Sa Tira Brigada, sinabi ng alkalde na hindi pa rin naikakabit ng kontraktor ang lahat ng ilaw, aircon at mga pinto sa mga opisina na dapat sana’y tapos na nitong nakalipas na 2022.

Read More:  Flooding hits two Barangays in GenSan

Paliwanag aniya sa kanya ng GSMAXX ay nagkaroon ng problema sa delivery o pagdating materyales na kinakailangan.

Gayunpaman, pinamamadali na ni Mayor Sabando ang mga kontraktor sa pagtapos sa bagong gusali na ngayon ay nilipatan na ng mga empleyado.