Taliban, ipinag-utos sa mga NGOs ang pagbabawal sa mga kababaihan na magtrabaho

Ipinag-utos ng Taliban administration sa lahat ng local at international non-governmental organizations na huwag pahintulutang magtrabaho ang kanilang mga kababaihang empleyado dahil sa reklamo sa kanilang dress code.

Read More:  Pope Leo XIV to proceed with South America visit following lung surgery

Maaaring masuspinde ang lisensiya ng mga NGOs sakaling mabigong ipatupad ang naturang kautusan.

Ayon sa tagapagsalita ng Taliban na si Abdul Rahman Habib, bukod sa hindi pagsunod sa Islamic dress rules, mayroon pa umanong hindi sumusunod sa iba pang regulasyon sa Islamic Emirate.

Read More:  Ebola cases in Congo surpass 10,000 amid worsening outbreak

Matatandaang una nang ipinag-utos ng Talban na ipagbawal sa mga kababaihanm ang pag-aaral sa mga unibersidad.//CA