5 katao inaresto matapos ang pamamaril sa isang 19-anyos sa Minnesota

Limang katao ang inaresto kaugnay ng malalang pamamaril sa isang 19-anyos  sa Minnesota’s Mall of America, ang pinakamalaking shopping center sa US, sinabi ng pulisya.

Ang mga suspek na tatlong 17-taong-gulang na lalaki at dalawang 18-taong-gulang na lalaki ay inaresto matapos isilbi ng pulisya  ang search warrant.

Read More:  PH Embassy in Pretoria advises Filipinos to avoid Ebola-affected areas

Naniniwala ang mga imbestigador na ang bumaril ay isa sa mga nasa hustong gulang na naaresto.  Inaasahang kakasuhan ng second-degree murder ang mga suspek.

Read More:  Thailand shortens visa-free stay for foreign tourists

Ang pamamaril noong Biyernes ay nangyari mga limang buwan matapos magpaputok ng baril ang mga suspek sa isang mataong tindahan sa mall. Walang naiulat na nasugatan sa insidente noong Agosto.//CA