Taas-singil sa tubig ng MNWD, hindi pa naaprubahan

NAGA CITY – Makakaasa umano ang mga member-consumer ng Metropolitan Naga Water District (MNWD) na magkakaroon ng magandang serbisyo ang opisina kapag naaprubahan na ang isinusulong nilang taas-singil sa tubig.

Kinumpirma sa Brigada News FM Naga ni Choppy Dela Cruz, Spokesperson ng MNWD na hanggang ngayon ay hinihintay nila ang pagapruba ng Local Water Utilities Administration (LWUA) sa isinusulong nilang taas-singil. Marami ang nagtaas ng kilay sa nasabing usapin dahil hanggang ngayon, may mga nakakaranas ng kakulangan sa tubig. Ipinaliwanag naman ni Dela Cruz na nasa regulasyon ng LWUA na kailangan nilang magtaas ng singil sa bawat limang taon upang makakuha ng dagdag na pondo sa pagpapaganda at pagpapaayos ng mga pumping stations.

Sa ngayon, nasa ₱12.50 pa ang per cubic meter kung saan ₱125.00 pa ang minimum nito o katumbas ng 10 cubic meters.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *