Taas-presyo sa trigo, umarangkada din

Umarangkada na din ang pagtaas ng presyo ng trigo o wheat kasabay ng sunod-sunod na oil price hikes at pagmahal ng mga pangunahing bilihin.

Umabot na sa P1000 ang 25 kilo kada bag na dating P860 lamang kung saan mahigit 50% na ang itinaas nito simula Pebrero hanggang Mayo ngayong taon.

Read More:  Marcos rejects claim flood control cases target Senate majority

Ayon kay Philippine Association of Flour Millers, Inc. executive director Ric Pinca, isa sa mga dahilan nito ay ang Russia-Ukraine war.

Read More:  NIA says it is prepared for El Niño impacts

Samantala, iginiit ni Pinca na hindi umano mauubusan ng suplay ng trigo ang Pilipinas dahil patuloy itong mag-aangkat sa Estados Unidos. (ARGIE ERGINA)