System para malaman kung gaano karami ang maaaning palay, binubuo na ng DOST Region 3

Binubuo na ng Department of Science and Technology o DOST Region 3 at ng Tarlac Agricultural University ang isang sistema na makaka tantya para magkaroon ng sapat na ideya kung gaano karaming palay ang maaani ng mga magsasaka.

Ayon sa DOST, ito ay para makapag plano ang gobyerno sa produksyon, distribution at magkaroon ng food security.

Read More:  Army seizes seven high-powered firearms from NPA in Caraga

Sa ilalim ito ng Satellite Imagery Crop Monitoring and Forecasting System For Agricultural Technology o SICAT Project.

Maaarin rin umano itong makatulong para malaman ang bilang ng dapat na produksyon ng palay base sa pangangailangan ng isang rehiyon.

Read More:  Live bullet and bullying note found inside Bacolod university

Sa ngayon, patuloy ang pag aaral sa mga satellite images na nakuha ng mga mananaliksik hinggil dito.

Target namang matapos ang pag aaral sa buwan ng Oktubre.