Synchronized rabuz gagawin sa Naga City laban sa dengue, kaso umabot sa 161

NAGA CITY- Nakatakdang isagawa ang synchronized rabuz sa 27 na barangay sa Naga City, ito ay upang mapigilan ang patuloy na pagtaas ng kaso ng dengue.

Sa Regular Session ng Sanguniang Panlungsod sinabi ni Liga President/ Councilor Ason Peñaflor  gagawin ito bawat ika-dalawa at huling Sabado ng buwan. Sa huling tala ng Department of Health-Bicol  161 ang kaso sa Naga mula Enero , pinakamataas sa Bicol Region.

Read More:  P136-M shabu hidden in Chinese tea bags seized in Cebu

Una nang kinumpirma ng Barangay Council ng Mabolo na isang 7-taong gulang ang nasawi dahil sa dengue noong nagdaang linggo.

Read More:  Mother nabbed in drug bust, 3 children left with neighbors

Pagbibigay diin ni Peñaflor hindi lamang dengue ang maiwasan sa hakbang na ito kundi iba pang sakit.