Naitala ang 11.9 million na tao ang walang trabaho sa third quarter ng 2021, batay sa resulta ng latest survey ng Social Weather Stations (SWS).
Sa 24.8 percent, ang latest jobless rate ay mababa sa 27.6 percent na naitala ng parehong polling firm noong nakaraang three-month term, nang bumalik ang bansa sa mas mahigpit na lockdowns sa gitna ng muling pagtaas sa kaso ng COVID-19.
Kaugnay nito, ito rin umano ay 12.6 points na mababa sa 2020 annual average na 37.4 percent.
Sa kabila nito, sinabi ng SWS na ang kasalukuyang 24.8 percent jobless rate sa bansa ay nananatiling five points na mataas kumpara sa annual average na 19.8 percent noong 2019.

Sinabi ng SWS na ang labor force participation rate ay nasa 68 percent, o estimated na 48.2 million noong Setyembre, habang 69.1 percent o estimated 48.9 million noong Hunyo. //MHEL PACIA-TRINIDAD