Isiniwalat ni Ginebra coach Tim Cone na hindi na makakalahok sa nalalabing mga laro ng kanilang team sa 2021 PBA Governor’s Cup ang veteran forward na si Jared Dillinger dahil sa injury.
Sinabi ni Cone na nangyari ito matapos ang tangka ni Dillinger na i-dunk ang bola.
Ayon kay Cone, hindi naging maganda ang landing ni Dillinger na dahilan upang magkaroon ito ng torn patellar tendon.
Ipinunto ng Ginebra coach na posibleng sumailalim si Dillinger sa surgery.
Aminado naman si Cone na malaking dagok ito para sa kanilang team.
Mababatid na nakalahok si Dillinger sa 13 laro ng Ginebra sa 2021 Philippine Cup, kung saan ay nagtala ito ng average na 2.3 points at 1.9 rebounds per game.
