SWS survey ‘di sumasalamin sa kahirapan ng PH – Gadon

Nanindigan si Presidential Adviser for Poverty Alleviation (PAPA) Secretary Lorenzo ‘Larry’ Gadon na hindi sumasalamin ang SWS survey sa totoong estado ng kahirapan sa Pilipinas.

Ayon sa panayam ng BRIGADA News FM kay PAPA Secretary Gadon, hindi maaring gawing batayan ang naturang survey sa sitwasyon ng pamilyang Pilipino lalo’t self-assessment ito.

Read More:  Taiwan donates ₱12.2M for Mindanao earthquake recovery

Mababatid na ang lumabas sa SWS survey na pinakamarami ang nagugutom sa Metro Manila kung saan 15.7% ng mga pamilya ang naitala; habang 11.3% naman sa natitirang bahagi ng Luzon

Read More:  Filipina files acts of lasciviousness complaint vs Russian Embassy staff

Samantala, 9.3% na pamilya sa Visayas ang naitalang nagugutom, at 6.3% na pamilya naman sa Mindanao.