Makararanas ng 4 na oras na power interruption ang Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 3 simula ngayong araw hanggang bukas.
Kaugnay rito, mula 7AM hanggang 11AM ang itinakdang pansamantalang pagkawala ng suplay sa kuryente ng NAIA, at ito’y makakaapekto sa south building at roadway 2 substations.
Ayon sa social media post ng paliparan, ang pansamantalang power shutdown sa Terminal 3 ay kinakailangan upang mapadali ang maintenance at upgrade sa electrical system ng airport na naglalayong pahusayin para makaserbisyo sa Pilipino.
Samantala, wala namang maapektuhan na flight operations sa isasagawang supply cut ng paliparan.
Sa huli, naka-antabay ang generators ng NAIA para tiyakin ang suplay ng kuryente sa mga importante at kritikal nitong mga kagamitan.
