SUV sumalpok sa concrete barriers

KORONADAL CITY – NAWASAK ang harapang bahagi ng isang SUV matapos na aksidente itong sumalpok sa concrete barriers pasado alas 8:00 kagabi sa kahabaan ng Gensan Drive, Barangay Zone III, Koronadal City.

Kinilala ang driver ng naturang sasakyan na si Jessa Mae Cabang 37 anyos, may asawa, residente ng Purok Bagong Silang, Barangay Sta.Cruz nitong lungsod. Mula umano sa Round ball patungo sa direksyon ng New City Hall ang sasakyan ng pagdating nito sa naturang lugar, aksidente na lumampas ito sa kabilang bahagi ng daan dahilan upang sumalpok ito sa concrete barrier.

Read More:  2 killed, 1 hurt in Tagum City pedicab shooting
Read More:  He could have built software. Instead, he joined a revolution

Dahil dito nasira ang harapang bahagi ng service utility vehicle habang ligtas naman sa aksidente ang driver nito.