Susuotin ng Makabayan bloc solons sa SONA – ipinasilip

Ipinasilip na ng dalawang mambabatas mula sa Makabayan bloc ang kanilang susuotin para sa SONA ni Pangulong Bongbong Marcos sa Lunes.

Ang mga Filipiniana gowns nina House Deputy Minority Leader and ACT-Teachers party-list Rep. France Castro, at GABRIELA party-list Rep. Arlene Brosas ay kapwa idinesenyo ni Francis Yu.

Sa gown ni Cong. Castro – makikita ang pinta ni Michael Joselo na larawan ng isang pamilya.

Read More:  Cayetano seeks suspension of NBI Chief Matibag

Sumisimbolo raw ito sa panawagan nila na itaas ang sahod ng mga guro at ang ‘living wage’ para matugunan ang kahirapan sa bansa.

Sa gown naman ni Cong. Brosas, ang isang pinta pa rin ni Joselo na makikita ang sagupaan ng dalawang sasakyang pandagat.

Ang isa rito’y mayroong mga simbolo ng dragon at agila; habang ang isa nama’y mayroong lulan na isang babae.

Read More:  ‘I still have the floor!’ Pangilinan, Padilla clash inside Senate chamber

Ito raw ay kumakatawan sa pakikibaka ng mga kababaihang Pilipino laban sa foreign military aggression.

Kung maaalala – sa mga nagdaang SONA ay ipinagbawal na ang pagsusuot ng mga damit na mayroong malinaw na ‘statements’, lalo na ‘yung mayroong mga nakasulat kung saan ay mayroong pinaglalabang iisang isyu ang isang guest.