MMDA – aminadong ‘hindi perpektong disenyo’ ang viral na matarik na PWD ramp sa EDSA Busway

Aminado ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na ang viral wheelchair ramp sa EDSA-Philam station ay hindi perpektong disensyo para sa mga wheel chair users.

Sa isang pahayag, sinabi ng MMDA na hindi posibleng gumawa ng ramp nang kaparehong height gaya ng footbridge dahil sa height restriction sa ipinatutupad ng Metro Rail Transit.

Read More:  DepEd thanks LGUs, private sector for boosting school security

Sa kabila aniya nito, malaking tulong pa rin ang naturang PWD ramp para sa mga senior citizens, buntis, at iba pang PWDs.

Read More:  Passenger thrown from jeep after alleged aggressive driving, LTO suspends driver’s license

Samantala, sinabi naman ni MMDA Chairman Romando Artes na hindi mali ang disenyo.

Ito lang aniya ang disenyong maaaring itayo gamit ang limitadong ispasyo, height, at size ng area, sa gitna ng height restrictions.