Susunod na pagdinig para sa PI, itinakda sa susunod na Martes

Nilinaw ni Senate Committee on Electoral Reforms and People’s Participation, Chairperson, Senadora Imee Marcos na mayroon pa ring siyang natitirang kailangang gawin para sa imbestigasyon ng people’s initiative (PI) at ito ang kunin ang testimonya ni Atty. Anthony Abad.

Ito ay matapos makita ang kanyang pirma sa mga forms na ginamit para sa PI signature buying campaign.

Read More:  Pangilinan investigates alleged abuse of the Sagip Saka Law

Ayon kay Marcos , nag-email na sa kanya si Abad na available na ito pagkatapos ng February 8.

Kaugnay nito, sa February 13 umano ang nakatakda niyang tentative schedule para sa pagpapatuloy ng pagdinig.

Read More:  Sandiganbayan denies Revilla’s request to attend brother’s wake

Samantala, maliban pa sa nasabing isyu ay kailangan di umanong maipaliwanag sa sususunod na pagdinig ng mga sangkot na tao sa PI kung saan nanggaling ang kalahati ng P55 milyon na ginamit sa TV ad.
#